In Tagalog


Nagpunta kami nga mga kaibigan ko sa alumni homecoming ng Boys’ High kagabi. Madalas ako pumupunta dito pero ngayon lang na ang dami dami nila, parang gusto ko ng umuwi. Kaso binigay ni Tito Roy yung camera nya sa amin at tutugtog siya kasama si Pepe Smith kaya kailangan namin sya picturan. Nung na low bat yung camera tiyaka lang kami nakauwi.

Hindi naman ako nalasing. Nakipag catch-up lang sa batchmates sa mga ibang kakilala. Pero gusto ko magsuka. Gusto ko nanaman isuka lahat ng nararamdaman ko pero hindi ako makasuka. Ayoko uminom ng madami dahil lasing na yung mga kasama ko at ayoko malasing. Ayoko din malasing dahil may exam pa ako kinabukasan sa prof na ang pinapasa lang eh dalawang tao. Bwisit. Pero di ko sya masisisi. Kahit hindi bar subject yun eh mahirap ang mga kailangan namin aralin sa kanya. Important information, kumbaga.

Sa kalagitnaan ng party party kagabi eh na-bore ako sa mga kausap ko dahil putol na sila. So nasa isang sulok nalang ako, pinanonood ang musika ni Pepe Smith na sobrang rock and roll at walang kupas, shet. Tapos bigla akong nagsulat ng tula sa utak ko tungkol nanaman sa kung pano ko malalampasan tong pinagdadaanan ko. Kasi pagod na pagod na ako. Ito yung pinagdadaanan na lose-lose situation. Yung mga sitwasyon na kahit anong resulta, eh ako pa din ang masasaktan. Sa tingin ko wala ng mashihirap pa diyan. Mas nagiging mahirap pa kasi wala namang nakakaalam ng nangyayari, ako lang. Ako na hindi rin alam ang gagawin.

Lord, tulungan mo ako. Sana malampasan ko na to. Kasi hindi ko na talaga kaya. Hindi ako maka-function ng maayos. Opo, masaya ako. Opo, okay naman ang buhay ko. Pero bakit hindi ko to malampasan. Haaaay. Harshtag HARSH. Rebyu na ulit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s