Stress and Growing Pains

Ang dami kong ginagawa. Like, since I was 18, yan ang lagi kong sinasabi sa mga tao. ANG DAMI KONG GINAGAWA. Eh, putangina, ngayon pati to-do list hindi ko na maharap.

Sobrang doable lahat ng plano pero ewan ko ba, parang may missing factor. Kailangan ko ba maging mas organized? Kailangan ko ba ulit mag-hire ng personal assistant? Kailangan ko ba gumising ng mas maaga? Baka pinupush ko nanaman sarili ko masyado? Minsan nga feeling ko hindi na driver ang kelangan ko, piloto na. OMG. bugbog ang katawan ko sa byahe.

Ngayon lang ako na-stress ng ganito sa buong buhay ko. Pakiramdam ko wala ng ikasasagad yung stress ko. Eto na yun. Pero shit, I’m so inspired to work more and to do more and I know these are just growing pains because I’m about to kill it again.

I just need to keep on reminding myself that I love what I do. I love what I do. I love being a writer and a makeup artist and that one of these days, I will be able to travel more, sleep more, watch more series, read more books, binge on new makeup and shit like that. HaysT. okay back to work. -_-